I.D.O.4.

Walang Hanggan

Verse 1:
Ang buhay kong ito O Diyos
Noon ay pagal at lito
Kahit ano ang aking gawin
Ako’y hindi nagbabago

Ngunit ngayo’y natagpuan
Ikaw Hesus sa buhay ko
Binigyan Mo ng tuwa
At sigla ang puso kong ito
Kaya O Diyos papuri ay sa’Yo

Chorus:
Itataas ang aking tinig
Walang hanggang papuri ay sa’Yo
At ako ay magpapasalamat sa kaligtasan
Na aking natamo

Verse 2:
Dati-rati ang buhay
Punong-puno ng lumbay
Walang pag-asa at nagdurusa
Ngayo’y naging anak Niya

Aking ngang natagpuan
Ikaw Hesus sa buhay ko
Binigyan Mo ng tuwa
At sigla ang puso kong ito
Kaya O Diyos papuri ay sa’Yo

(Repeat Chorus)

Instrumental…

Dahil sa pag-ibig Mo, O Diyos
Dahil sa pag-ibig Mo, O Diyos
Dahil sa pag-ibig Mo, O Diyos
Ako ay naligtas
(x4)

(Repeat Chorus x2)