I.D.O.4.

Sino Kami

Sa gabing madilim, may isang bituin
Sa dulo ng dagat ay may lupa
Walang gabi kung walang umaga
Walang luha kung walang tuwa
Walang ngayon kung walang kahapon
Kahit ang bukas ay may wakas
Huling hantunga’y alaala
Kahit pag-ibig na ‘di wagas

Chorus:
Ikaw lang ang may alam
Sa buhay kong sa ‘Yo’y hiram
Batid Mo rin ba’t kami’y nandirito
Sino kami upang pigilin ang mundo
Sa aming piling

Sa daigdig Mo’y sino kami
Isang tuldok o butil lamang
Kahit panaginip o pangarap
Hindi abot ang walang hanggan

(repeat chorus)

Sino kami upang pigilin ang mundo

(repeat chorus 2x)