I.D.O.4.

Sabe Ko Na Nga Ba

‘Di ko akalain na ako ay mapansin
Nung ako’y naliligaw
Bigla na lamang dumating
Sabe pa nga ng iba
Ako’y wala ng pag-asa
‘Di na raw magbabago
‘Tong gulo ng buhay ko
Pero nung ako’y nagtiwala
Sa Diyos na sa ‘kin ay lumikha
Siya ang nagbigay ng lahat
Para ako’y maligtas
Woh-woh-oh-oh-oh

Chorus:
Sabe ko na nga ba
Ikaw ang kailangan ko
Ikaw lang ang buhay ko
Ikaw ang pag-asa ng puso ko
Sabe ko na nga ba
Wala akong magagawa O Hesus
Kung Ikaw sa aki’y wala
Lahat ng pangako mo
Kaya Mong gawin
Para sa ‘kin

Ngayon ako’y nabubuhay
Para na lamang sa Iyo
Bawat iyak at pag-ngiti
Ang dahilan ko ay Ikaw
Ngayon ako sa Iyo’y nagtiwala
Ikaw na sa ‘kin ay lumikha
Ikaw ang nagbigay ng lahat
Para ako’y maligtas
Woh-woh-oh-oh-oh

(repeat chorus 2x)