I.D.O.4.

Mahal Ko Kayo

Verse 1:
Humihingi, naghahanap
Kumakatok sa Iyo
O dinggin Mo Panginoon
Pagsamo ko sa Iyo

Pagkat tanging Ikaw nakakaalam
Kami na Iyong lalang
Pangako Mo ang kailangan

Refrain:
Dinggin mo ang sabi ng Diyos

Chorus:
Totoo ang Aking sinabi
Lahat ng pangako Ko
Hindi Ko kayo iiwan
Hanggang sa wakas ng mundo
Hindi Ako magbabago
Ako’y laging tapat sa inyo
Mula noon hanggang ngayon
Magpakailan pa man

Verse 2:
Naghihintay, umaasam sa katugunan Mo
Lingapin Mo kami ngayon, daing naming sa Iyo

Pagkat tanging Ikaw makakagawa
Mga kamangha-mangha at pagbabago sa aming buhay
Dinggin mo ang sabi ng Diyos

(Repeat Refrain & Chorus)

Hindi Ko nais ang mapahamak ka
Hindi Ko nais ang maghirap ka
Dakila ang pag-ibig inialay Ko sa’yo
Sa’yo

(Repeat Chorus x2)

Mula noon hanggang ngayon (x2)
Magpakailan pa man