I.D.O.4.

Lumilipad

Dati ko’ng buhay
Problemang walang humpay
Saan man pumunta
Puros pag-aalala

Ngunit ngayo’y nabuhayan ang aking pag-asa
Na ang tadhana’y mas mahalagang makilala Ka

Chorus:
Lumilipad-lipad ang puso
Sa kalayaang natanggap ko
Dahil sa ‘Yong sakripisyo
Doon sa Krus ng Kalbaryo
Sumasayaw-sayaw, umiindak
Ako sa galak
Dahil sa kaligtasan
Bautismo sa ‘Yong Pangalan

Ngayon nalaman na
Ang tunay na ligaya
Ang kapayapaan
Sa ‘Yo makukuha

Lungkot, bugnot, simangot
Ay kalimutan na
Tuwa, saya, kagalakan
Mga pangako Nya

(repeat chorus)

Bridge:
O Hesus, Hesus
Dahil sa ‘Yo Hesus
Hesus, Hesus
Dahil Sa ‘Yo Hesus

Ibig ko patunayan
Ikaw lang ang kailangan
‘Pag wala Ka sa buhay
Lahat walang kabuluhan

(repeat chorus and bridge)